Thursday, June 19, 2008

Papa



Unang lahok ni Neri sa Litratong Pinoy

Ang kamay ng naglalaba rito ang siyang kamay na umakay sa aking mga unang hakbang sa mundo. Ang siyang humawak sa akin habang nakasakay sa bisikletang may apat na gulong. (Kaya siguro di ako natutong magbisikleta.) Ang siyang tumulong sa aking sumagot ng aking mga homework. Ang siyang nagtuloy ng mga proyektong pinagpaguran ko ngunit hindi ko matapus-tapos. Ang siyang naghanda ng almusal kong hotsilog at hapunan kong Maggi.

Ang siyang nagtiis ng maraming hirap at pasakit upang makatapos ako ng pag-aaral. Ang siyang haligi ng aming tahanang matagal na sanang nabuwag. Ang isa sa dahilan kung bakit andito ako sa mundo.

Salamat, Papa.

***

Neri's first entry in Litratong Pinoy

The hand that you see here is the hand that guided my first steps in this world. The hand that held me when I rode a four-wheeled bicycle. (Perhaps that's why I didn't learn how to ride a bike.) The hand that helped me do my homeworks. The hand that continued the projects I worked hard for yet I could not finish. The hand that served my hotsilog (hotdog, egg and fried rice) breakfast and Maggi (noodles) dinner.

The hand that sacrificed through a lot of difficulties and hardships. The hand that held firm the home that should have been gone long ago. One of the reasons I exist.

Thanks, Papa.

27 comments:

Anonymous said...

napakaganda ng larawan...nakakatuwa at marunong silang maglaba. ganyan talaga ang mga huwarang ama.

Anonymous said...

ang taray ni papa!
marunong malaba..
wag sanang magtaka
kung ako'y magpalaba..


ang taray..may rhyme yan..hehe
magaling magaling magaling.
muli..
napahanga mo ako ner! godbless

Lizeth said...

ang ganda ng pagkakakuha moÜ

your father is admirable!

welcome to LP, nerÜ

Anonymous said...

ang ganda ng larawan! kitang-kita ang mga detalye. mabuhay ang mga ulirang ama! :)

Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama

kaycee said...

this photo is just fantastic! i love it! na-move din ako sa sinulat mo about it. na miss ko tuloy daddy ko. fab shot, your best one yet! =)

Neri said...

sa mga bago kong kapatid sa LP, salamat sa pagdaan at sa mga komentong nagpataba sa aking puso :)

ang galing mong tumula, enday. apir! salamat, salamat muli. :)

Neri said...

@kaycee: aww, thanks, sis. really appreciate it. :)

Dr. Emer said...

Kapag marunong daw maglaba at magluto ang lalaki, puede na daw pakasalan iyon. Marahil kaya sinasabi ang ganoon ay dahil yun ang mga katangian ng isang mabuting Tatay. Handang gumawa ng mga bagay para sa minamahal nyang pamilya.

Salamat sa pagdalaw!

Anonymous said...

hi ner, interesting shot! galeng ng tubig! keep it up...:)

Neri said...

@dr.emer: oo nga, ano po. ^^

@adinille: salamat, kapatid! :)

Anonymous said...

ang ganda ng litrato mo :) welcome sa lp!

Anonymous said...

ner this is absolutely great! ganda sis..pati ung sinulat mo napakaganda..pagaling ka na ng pagaling! *hugs*

fortuitous faery said...

maligayang araw ng mga ama sa iyong papa!

Pete Erlano Rahon said...

nice shot - pang-contest!

thanks for the blog visit...

Neri said...

@korky: salamat, kapatid! ^^

@fab: thanks, sis! kaso nakakapressure naman yang sinabi mo hehe. baka di ko mapantayan expectations tuloy. :D

@ffaery: maligayang araw ng mga ama, kapatid! :)

@pete: salamat po! nakakataba po ng puso ang inyong komento. ^^

Anonymous said...

well said, and well shot.

:) i shall link you and your amazing pics...pero paturo naman kumuha kagaya mo!!! >_<

Neri said...

@blankpage: welcome back! long time no hop hehe ;) wala akong matuturo eh, nangangapa lang din ako. :) basta practice lang nang practice sa iba't ibang anggulo. tsaka paglaruan ang controls haha XD

salamat, salamat :)

Anonymous said...

Napakaganda ng larawan mo, Ner! ganda ng komposisyon mo :)

Belated Happy dad's day sa iyong dad..and happy weekend!

JO said...

wow! ang ganda!

salamat sa inyong pagdalaw sa aking blog.

Anonymous said...

una kong nabasa ang green and horny post mo, sensya na at medyo nagpadala ako at kakaiba ang tingin ko sa unang sulyap lol! pero tunay na napakaganda ng iyong larawan! at nakunan mo pang kasalukuyang naglalaba! galing!

Jeanny said...

ganda naman ng entry mo kapatid. nagustuhan ko sya.

swerte natin sa ating mga ama noh?

Happy LP

Anonymous said...

di yata pumasok ang nauna ko comment.. :(

na-touched ako sa entry mo..

Neri said...

@thess: salamat po! natsamba lang hehe.

@jo: salamat din sa pagdaan :)

@ces: hehehe, ok lang yun. onga eh, nasaktuhan ko lang :D

@jeanny: salamat po. natutuwa po akong nagustuhan nyo. maswerte nga po tayo sa ating mga ama. mabuhay sila!

@alpha: salamat naman at naantig po kayo. ^^

Anonymous said...

wow! kahanga-hanga ang picture at naantig din ang damdamin ko sa iyong akda :) naalala ko tuloy ang ama ng aking anak. kasi sya ang naglalaba sa amin. shhhh, sa atin lang yun ha :D

Anonymous said...

ang ganda ng kuha mo ner. the other side of dads we usually don't see :)

Neri said...

@dyes: sige, sa'tin sa'tin lang haha XD

@iris: thanks!

Anonymous said...

I like this one...:)Im listing you on my blogsite.More Power!

Sponsors

Your Ad Here