Ikalawang lahok ni Neri sa Litratong PinoyPagsusunog ng kilay --- isa sa mga natatak na matatalinhagang salita sa akin.
Hindi ko kasi mawari kung ano ang kinalaman ng kilay at sunog sa pag-aaral. Marahil noong unang panahon nang naka-kandila pa ang ating mga ninuno at malapit sila sa apoy para makapagbasa sa gabi. Kaya siguro nasunog ang kanilang kilay. Sa antok. ^^
Hindi ko rin kasi maalis sa isipan, kapag nabasa ang katagang 'nagsusunog ng kilay', ang eksena ni Jose Rizal at ang kanyang inang si Teodora Alonzo sa tapat ng gasera. Dito mag-uumpisa ang alamat ng gamu-gamo. (Pero hindi ko na iyon ikukuwento dito ha.)
Ngunit sa panahon natin ngayon, nakakalungkot mang isipin, ay mayroon pa ring mga bata sa Pilipinas na nagtitiyaga sa nauupos na gasera o kandila para makapagbasa ng kanilang mga aralin. Mayroon pa ring mga batang kailangang maglakad ng kilo-kilometro at dumaan sa mga bundok at ilog para makarating sa kani-kanilang paaralan.
Hanga ako sa mga batang ito dahil hindi ko alam kung magagawa ko pang mag-aral sa ganoong kalagayan. Mahirap man kami pero hindi ko naranasan ang ganoong tinding pasakit para lamang makapagtapos ng pag-aaral.
Sana'y hindi magsawa ang kabataan ngayon upang magsikap sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
***
Neri's second entry in Litratong Pinoy
Pagsusunog ng kilay --- one of the [Filipino] idioms that stuck in my mind. (Literal English translation: burning one's eyebrows.)
It's because I don't understand what eyebrows and fire have to do with studying. Perhaps in the olden days when our ancestors used candles to read at night, their brows get burnt. Due to sleepiness. ^^
When I read the term 'nagsusunog ng kilay', I also can't help but think of the scene where Jose Rizal and his mother Teodora Alonzo were in front of a lamp. This scene will start the legend of the moth. (Which I won't be telling here.)
Yet in our times now, saddening as it may seem, there are Filipino children who still use lamps or candles to read their homeworks. There are still children who walk a few kilometers and cross over mountains and rivers just so they can go to school.
I admire these children because if I were in their place, I don't know if I can still have the guts to study with such conditions. My family might be poor but I did not experience such hardships in order to finish schooling.
I hope that today's youth won't stop reaching for their dreams.