Ikaapat na lahok ni Neri sa Litratong Pinoy. (English translation below.)
Maligayang LP sa inyong lahat! Ang tema ngayong linggo ay "Balingkinitan" at nahirapan ako rito dahil hindi ko pwedeng isali ang larawan ko. Bwahaha! XD
Sumagi sa aking isipan ang kasabihang "korteng Coke" dahil sa ka-seksihan ng bote ng Coke... noon. E pa'no ngayon, andami na ng hugis at laki ng Coke... may sakto, litro at "in can" pa. Kaso walang Coke sa bahay at nanghinayang akong bumili sa suking tindahan para lang kunan ng larawan, maliban sa nagtitipid ako. Ang natirang bote rito ay Pop Litro pero di gaanong balingkinitan ang korte nito. Kaya naghagilap na lang ako ng kaaya-ayang korte sa aking baul dito sa laptop.
Ang larawan sa itaas ay nakunan nang nagtatrabaho pa ako sa Makati (gamit na naman ang aking cellphone) at napag-isipan namin ng ka-opisina kong si Jen na subukang kumain sa Cafe Central. Sa tinagal-tagal kasi namin sa Valero, ni minsan di kami kumain dun. Kung kailan palipat na kami ng opisina sa Karrivin, dun pa namin nagawang kumain dito at nalamang masaya pala. Huli man daw at magaling, naihahabol din. :D
Tuwang-tuwa ako sa kulay at baso ng Kiwi Italian soda ko. Hay, nakaka-miss. :(
***
Neri's fourth entry in Litratong Pinoy.
Happy LP, everyone! This week's theme is "Balingkinitan" (usual connotation: sexy; dictionary definition: slender) and I found it difficult because I can't post my picture for this. Bwahaha! XD
This brought into my mind the [Filipino] term "korteng Coke" (Coca Cola-shaped) because of the sexiness of a Coke bottle... before. But how do we use it now when there are lots of Coke shapes and sizes... there's "sakto" (a petite size), "litro" (1-1.5 liters), and even "in can." However there's no available Coke in the house and I didn't want to buy one in the nearest store just so I could take its picture, plus I am in a tight budget. The only bottle here is a Pop [Cola] Litro but it isn't sexy enough. So I searched for a shapely form in my treasure chest of digital photos.
The picture above was taken when I was still working in Makati (using my cellphone still). I and my officemate Jen decided to try it out in Cafe Central because in our long stay at Valero, we haven't eaten there yet. Ironic because we only ate there when we were about to move to a new office in Karrivin and found out that it was wonderful in Cafe Central. At least, it's better late than never. :D
I was delighted with the color and glass of my Kiwi Italian soda. Sigh... I miss those days. :(
33 comments:
Kiwi Italian Soda on a sexy, cold bottle? I haven't tried this. Where in Valero is this?
Happy Thursday to you! Thanks for visiting me
pareho tayo ng naisip kaso ako napabili ng coke para sa litrato. mas maganda nga lang ang iyong baso, mas balingkinitan. mukha ngang masarap yung inumin mo ha.
maligayang lp!
kiwi na italian pa! sounds and looks like an interesting drink!
hehe, sexy glass nga... maligayang araw ng huwebes... :)
wow! pasta sarap nman nyan! na gutom ako bigla! :)
happy thursday!
balingkinitan nga ang basong iyan...ngunit sa pagkaing nasa tabi nya...siguradong iiba ang korte mo...haha!
It's look so delicious..
a Nice photo friend..
hi, Ner
kahit cellphone lang, maganda pa din naman ang pagkakuha mo. a new here, what's LP?
and it's your birthday? happy birthday na din!
@dr. emer: Hehehe, I recommend this drink really. Cafe Central is near the Mercury Drug Store along Citibank. Na-gets nyo po ba? Hirap ako magdescribe directions, kelangan lahat ng landmarks sabihin ko hehehe.
@leapsphotoalbum: oo, masarap nga! ^^ buti na rin pala di na ko nagpabili ng coke hehehe
@ces: tunay na tunay! namimiss ko nga. yummy talaga :D
@lino: onga po eh. maligayang huwebes din po :)
@veradik: onga eh, nakaka-miss mag-pasta trip hehe
@roselle: tumpak! hahaha XD
@hendrawan: yeah, it really is ^^
@riau photo: thanks!
@sexy mom: salamat po! LP po is short for Litratong Pinoy. ay di ko po birthday pero salamat na rin hehehe.. :D
coke nga ang lahok ko for this week sa isang blog ko :) buti na lang may display na bote ng coke ang aking kaibigan (yung classic ha, hindi yung mga tipong 1.5L na ika mo nga, hindi naman sexy, hehe). pero nakakataba naman ang coke eh, di nakakatulong sa pagpapasexy. :D
LP Balingkinitan sa MyMemes
LP Balingkinitan sa MyFinds
Pasensya na, mas malakas ang dating nung pasta sa akin kesa sa Kiwi Italian Soda - hehehe! :)
Obvious bang "ex-balingkinitan" ang katawan ko ngayon dahil dito? ;)
Happy Huwebes!
oo nga.. sexy!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-15-balingkinitan.html
aba meron pala nun kiwi at italian heheh...
Kagaya ni Pinky, mas napatitig ako sa pasta (halatang matakaw ako ano? he he)
kiwi italian soda? ay parang mas gusto ko sya kung australian! *,mais mais*
Happy LP!
yum, yum, yum... paano pa magiging balingkinitan? hehehe
Yan, yan ang mga type kong merienda kaya ex-balingkinitan ako :)
Ok ang drinks, kakaiba.
nagutom ako!
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-balingkinitan.html
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-balingkinitan.html
@meeya: onga, nakita ko ang classic coke mo, ang galing! pero tama ka, more calories nga lang. edi coke zero? kaso ako di ko type lasa ng coke zero hehehe.
@pinky: hahaha. sakin pareho lang. :D
@mousey: oo. actually ung italian soda ata minix na lang ng kiwi concentrate.
shapely glass! pero ang pasta mo kontra yan ng mga gusto manatiling balingkinitan.:D
thanks for visiting my LP this week.
ahehe...
nagutom tuloy ako.. mukhang masarap eh!?
Mahirap magsuot ng damit kapag gnyan ang hugis hehe. Happy LP!
at mahirap maging balingkinitan kapag ang nakahain ay ang nakakagutom na pasta at inumin na masarap..nyummm... :)
Ty sa dalaw ner, happy LP! :)
ang sarap ng pasta sa pic! nagutom tuloy ako.. :)
balingkinitan nga :-)
and the food looks yum, yum...
hope you have a good weekend :-)
parang ang refreshing nung inumin. mmmm....
mahilig din ako sa pasta kaya di na ko balingkinitan :) ang sarap naman nyan!
happy lp!
http://teystirol.com/2008/07/10/lp15-balingkinitan/
Yung pasta saka lagyanan ng inumin parehong balingkinitan pala, ayus. Happy LP
sana makatikim di ako nyang Kiwi Italian Soda (kahit hindi ako mahilig uminom ng softdrinks try ko rin para malaman ang lasa).
salamat sa pagdalaw sa aking LP entry!
akala ko sasabihin mo na nakakasira sa balingkinitang katawan ang mga hinain sa litrato mo. :)
sa philam lang ako pero parang di ko pa nakita ang cafe central. parang ang sarap ng pasta at gusto kong matikman yang kiwi italian soda. isa sa mga peborit ko ang italian soda eh :)
have a great week ahead!
pasensya na at ngayon ko lang nadalaw ang lahok mong ito. :D
ang seksi nga ng baso! pero aaminin ko, naagaw ng pasta ang aking atensyon. hahaha. :D
Post a Comment