Thursday, July 3, 2008

Pasan Ko Ang Daigdig (The World On My Shoulders)



Ikatlong lahok ni Neri sa Litratong Pinoy (English translation below.)

Ang lahok ko ngayon sa LP ay hindi lang tatak Pinoy, kundi tatak Kapampangan pa! Hehehe.

Kung tutuusin marami akong pinagpilian kung alin sa aking mga litrato ang aking isasali ngayong Huwebes. Pero para maging kakaiba naman at hindi gaanong ma-drama ang aking lahok, eto na lang. (Hindi raw ma-drama pero hindi ba't ma-drama na ang mismong larawan? :D) Pansin ko kasi sa nakaraang dalawang linggo ko sa LP, masyado akong ma-drama, baka akalaing seryoso ako. Hahaha.

Kinuha ko ang litratong ito nitong Mahal na Araw ng nakaraang Marso sa Barangay Panipuan sa San Fernando, Pampanga. (Gamit lang ang cellphone dahil wala pa akong camera noong panahong ito. Ni hindi ako makalapit sa mga nagpepenitensya dahil nahihiya ako kumuha ng mga larawan; ako lang ang gumagawa noon.) Naging tradisyon ko na kasi na dumalaw sa aking kabarkada rito tuwing Mahal na Araw dahil parang fiesta rin kapag ganitong panahon sa barrio.

Maliban sa kasiyahan at kainan sa gabi, syempre andyan ang mga nagpapasan ng krus, namamalaspas ng likod at gumagapang sa kalsada upang maaliw ka. Parang may pagka-sadista ang dating, ano po? Pero hindi naman. Hehehe.

Pero ang talagang pinupunta ng mga turista sa Pampanga tuwing Mahal na Araw ay ang pagpapapako sa krus ng mga nagpepenitensya sa Barangay Cacutud, San Fernando. Sayang lang at hindi pa ako nakakapunta rito dahil walang gustong sumama sa akin. Alas dose ng tanghali kasi nagaganap ito; mainit daw at maraming tao. Hehehe.

Maligayang LP, mga kaibigan! ^^

***

Neri's third entry for Litratong Pinoy

My entry for LP isn't just Philippine-branded, but Kapampangan-branded as well! Hehehe.

Actually I had several pictures to choose from, which I would like to join for this Thursday. However I wanted my entry to be unique and not so dramatic, so I picked this one. (But then ain't the picture itself dramatic? :D) I noticed that I was being dramatic for my last two weeks in LP, that you might think I'm too serious. Hahaha.

I took this picture at Barangay Panipuan in San Fernando, Pampanga last Holy Week of March. (Using my cellphone only because I haven't got a camera then. I was embarrassed to take pictures because I was the only one doing it; so I couldn't even get near the penitents.) It was already my tradition to visit my friend here every Holy Week because it seems like a feast in the barrio during this time.

Besides the merry-making and feast-like activities in the evening, of course there were those who carried crosses, those who scourged their backs and those who crawled on the road to keep you entertained. Sounds sadistic, ei? But it isn't. Hehehe.

But what the tourists really anticipate in Pampanga every Holy Week is the crucifixion of penitents in Barangay Cacutud, San Fernando. It's a pity I haven't gone there yet because no one wants to accompany me because this event commences at twelve noon; they say it's too hot plus a lot of people go there. Hehehe.

Happy LP, my friends! ^^

17 comments:

안아 said...

gusto ko ung tricycle pic below this post! and omfg. taga angeles ka?! KABABAYAN *apir* haha. where do you study? :)

Anonymous said...

ang sakit naman nyan. d ko yata kayang panoorin :) magandang hwebes!

Anonymous said...

sa pilipinas lang ata may ganyan...

uy angeles city is my hometown

lidsÜ said...

tatak pinoy na talaga yan... dahil sa pagiging deboto natin!
magandang araw sa'yo!

Anonymous said...

oo, tatak pinoy nga yang pagpepenitensya pag mahal na araw. pero ang alam ko, me isa pang bansa na gumagawa rin ng ganyan eh. di ko lang matandaan ngayon kung alin. :)

LP Tatak Pinoy: Mga Gawang Kamay
LP Tatak Pinoy: Mga Lamang Tiyan

Neri said...

@saging: apir! hehehe... sa holi ako nag-aral ;)

@korky: hehehe, di naman siguro. (sa bagay ano bang alam ko e di ko pa ginawa.) kaso napaka-normal na kasi nito dito eh kaya parang libangan ba. hehe.

@betchay: uy, cabalen! san po kayo sa angeles?

@lids: onga. magandang araw din! :)

@munchkin mommy: ah ganun po ba. kala ko dito lang. ma-research nga hehehe.

salamat sa pagdaan! ^^

Anonymous said...

ay oo nga onli in the pipilipins meron nya.. dinadayo pa ng mga foreigner yan pag mahal na araw..

Anonymous said...

hi, ner! salamat sa pagdalaw ha? gusto ko ang mga shots mo na may lomo feel. medium format ba ang ginagamit mong camera? mukhang square shots ang photos mo. astig!

syanga pala, kailangan kong aminin na ako ay fan ng pampanga. ipo-post ko minsan ang outing namin sa san fernando. foot tour sa umaga, king's royal swimming sa hapon!

Pete Erlano Rahon said...

hi thanks for the visit...

penitensiya sa semana santa tunay na tatak pinoy

Neri said...

@jennyl: onga eh, buti pa mga foreigners nakita na ung crucifixion dito hehe.

@jerome aka bridget: yey, fan ng pampanga! sige, sana madaanan ko yang post na yan. sensya na po, di ko pa alam ang lomo at square shots, dinugo ako dun haha. baguhan pa lang po kasi sa potograpiya. prosumer lang po gamit kong camera. :)

@pete rahon: salamat din po sa pagdalaw! :)

Anonymous said...

isang tradition na tunay na tatak pinoy!

happy weekend!

Anonymous said...

totoo ito. tayo lang yata ang gumagawa nito. ang mga pilipino ay talagang maka-Diyos.

http://rumplestilskin.wordpress.com
http://www.lasedweb.net/blogs.htm

Anonymous said...

Tunay na tatak pinoy ang kuha mo na nagpipinetensya. Sayang kung me piktyur ka nang pinapako sa krus sa Bo. Qutud (tama ba).
Kabalen mo pa pala wisheart ko, from guagua siya.
appy LP! este happy lp
www.luminosity.kadyo.com

Anonymous said...

Madami din ganyan sa amin sa Zambales pero kahit matanda na ako ay hindi ko pa rin kayang tingnan sila. Nakakaawa kasi.

Anonymous said...

Naku, super tatak pinoy nga ito... kaso sa totoo lang eh medyo hindi ko alam kung paano nakakatagal ang mga taong ito sa ginagawa nila... iniisip ko lang at nasasaktan na ako... lalo na yung pinapako sa krus. iba talaga ang panata nila no?!

Tes Tirol said...

ako shoulder bag lang nabibigatan na he he pero tama onli in da Pilipins ata yan


happy lp!

Tes Tirol said...

ako shoulder bag lang nabibigatan na he he pero tama onli in da Pilipins ata yan


happy lp!

Sponsors

Your Ad Here