Saturday, August 2, 2008

Tampisaw sa Dalampasigan (Wade for Me on the Shore)

A Walk on the Ocean


(Read English translation below.)
Pahabol na lahok para sa temang Dalampasigan sa Litratong Pinoy ngayong linggo.

Isa ito sa mga pinakaunang kuha ko noong wala pa akong camera. Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang kunan ko ito sa isang dalampasigan sa Olongapo. Hiniram ko lang ang digicam ng ka-opisina kong si Art habang di nya ito ginagamit. Paborito ko kasi ang dagat kahit di ako marunong lumangoy. Kaya dapat kong kunan ng litrato ang mahal kong alon. Hehehe.

Na-post ko na ito sa dati kong personal blog na From the Eyes of a Wanderer. Ibabahagi ko na lang dito ang isinulat ko doon.

pangarap ko na dating makarating sa karagatan at panoorin lang ang pagsalpok ng alon sa dalampasigan...

nakamit ko ang pangarap na iyon nang pumunta kami sa gapo...

hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na lumangoy o magpalutang man lang sa dagat dahil sa kakaunting oras ng aming pamamalagi. nanatili akong nakatayo sa may dalampasigan habang unti-unting hinihintay ang papataas na along dumampi sa aking mga binti.

sa umpisa'y marahang dumarating ang mga alon... napapayapa ang aking kalooban sa pagmasid sa kanilang pagdating. gusto kong maging isa sa kanila... palayo sa mundo ng mga komplikasyon, ng mga problema.

palapit ako nang palapit sa kanila, hanggang sa umabot na ang tubig sa ibabaw ng aking tuhod. lumalakas na rin ang pagdating ng mga alon, tumataas ang tubig na pilit umaakyat sa aking mga binti.

kung sanang ganoon na lamang kasimple ang buhay... payapa, walang iniinda, walang alintana...
ngunit may tumawag sa akin na nagbalik sa akin sa kasalukuyan... sa katotohanan..

tara, uwi na tayo...


***

A "catch-up" entry for the theme Dalampasigan [Shore] in Litratong Pinoy for this week.

This is one of my earliest shots when I still didn't have a camera. Two years have passed since I took this picture at a shore in Olongapo. I just borrowed my officemate Art's digicam while he wasn't using it at that time. I love the sea despite not knowing how to swim so I needed to photograph my beloved waves. Hehehe.

I posted this already in my defunct personal blog, From the Eyes of a Wanderer. I'd like to share what I wrote there.

It has always been a dream of mine to go to the beach and watch the waves hit the shore.

That dream came into reality when we went to Olongapo.

I didn't have the chance to swim or just even bob in the sea because we only had a few hours left before leaving. I kept standing on the shore while waiting for the rushing waves to embrace my legs.

At first the waves were gentle... I was pacified just by seeing them coming. I wanted to be one with them... away from the world full of complications, full of problems.

Eventually I came nearer and nearer to them, until the water reached above my knees. The current was also getting stronger, the water climbing up my legs.

If only life were that simple... peaceful, no worries, no anxieties...
But someone called for me to come back to the present... to reality...

Let's go home...

1 comment:

Anonymous said...

Hahay...well said...well said... you do capture things that I wanna capture myself...ung mga bagay na di maxado napapansin pero pag tiningnan mabuti e may sense din pala...lalo na ung ice gems sa old posts mo...weee!!! XD

Sponsors

Your Ad Here